top of page
MATIAS

"Dumaan ang bawat oras. Nahihiyang manalangin si Matias sa Diyos dahil sa mga nagawa nitong kasalanan. Kung mananalangin ba siya'y tatanggapin pa rin ito ng panginoon sa kabila ng mga kalapastanganan na nagawa niya? Patuloy s'yang nagtatago sa mga mata ng diyos para hindi s'ya husgahan nito. Naiisip n'ya, kung hindi man s'ya mananalangin, hindi s'ya makikita nito at hindi malalaman ng Diyos ang nagawa n'ya ngayong araw. Kung hindi ka nananalangin sa Diyos, wala siyang pakialam sa'yo, iyon ang naiisip ni Matias sa mga oras na nagdaan. Ngunit ang lahat ay nakikita ng Diyos. Walang nakapagtatago sa mga sulyap niya. Walang nakatatakas sa mga titig. Walang nakakapagtago sa parusa. Walang nakakapagpabulag sa mga mata nito. "
bottom of page