top of page

MGA KUWENTO

Pssst! Pwede ka? Kuwentuhan tayo!

Gusto ko lang talagang magkuwento. At ang pagsusulat ang isa sa pinakamabilis na paraan para makapagkuwento ang isang tao. Iba ito sa paggawa ng komiks, pelikula at kung ano pang medium ng pagkukwento na kinakailangan ng maraming oras at maraming kagamitan.

 

Gusto kong isama kayo sa iba't ibang mundo na maaring napuntahan o hindi nyo pa napupuntahan. Gusto kong magkasama tayong mamulikat ang tiyan sa katatawa, tapikin ang likod ng isa't isa kapag nilamon ng kalungkutan; sabay na pintahan ang langit ng ating mga pangarap, tumalon sa nagbabagang gusali, alamin kung anong klaseng nilalang ang nagtatago sa madidilim na sulok ng bawat eskinita at magkasamang gumapi sa mga halimaw ng mga mundong hindi pa natin lubos na kilala.

Higit pa sa lahat, gusto kong makapagbahagi ng mga natutunan ko sa buhay sa pamamagitan ng pagkukwento at sa talento sa pagsusulat na ibinigay sakin ng Diyos, kaya gagamitin ko ang mga kakayahan na ito at baka sakaling may matutunan rin kayo; Ito na ata ang pinaka-marangal na magagawa ko para sa inyo sa ngayon. O, sya! Enjoy!

Sa Kamatayan Web Strip.jpg
Talahamik (Story)
Milagrosa (Story)
Sa Kung paano naging 50 ang 8 (Autobiography)
Si Jule, And Pitaka, at Ang Barko (Non-fiction)
Matias (Story)

Ang lahat ng kuwento o sanaysay ay libre lang na mababasa sa website na ito. Pupwede mo ring i-download ang libreng PDF file ng mga kwento para mas madali mo itong mabasa kahit nasaan ka man sa kahit na anong oras.

Libre lang muna ito sa ngayon, unti-unti ko pang ginagawan ng paraan para maging totoong libro ang mga kuwento rito. 

Sa uulitin, maraming salamat sa pagbibigay ng oras magbasa o sa pagbabalak magbasa ng mga kuwento ko. Sana'y may matutunan at maramdaman ka sa mga sinusulat ko, totoo man o gawa-gawa lang. Enjoy!

© 2021 by N.Escaño

  • Facebook - Black Circle
  • Instagram - Black Circle
  • Twitter
  • YouTube
bottom of page